Sunday, November 04, 2007

2007 LANUZA SURFING FESTIVAL


Iniimbitahan ko kayong lahat sa Lanuza Surfing Festival 2007. November 25-27, 2007, Lanuza, Surigao del Sur.

Ako ang gumagawa ng posters at t-shirt design nila mula pa noong 2004. Itong taong ito, inspirasyon ko ang Pilipinas sa design ko. Noong July ko pa ito ginawa para sa maagang promotion ng festival.

Sem-break pa ba sa Pilipinas? Kung wala pa kayong pasok or kung wala naman kayong ginagawa punta kayo dito, malayo nga lang pero try n'yo lang. Sulit ang layo at pagod sa mahabang biyahe. Hindi pa napapasok ng komersyalismo ang lugar, wala ngang landline 'dun, pero malakas naman ang signal ng Smart at Globe. Napaka-simple ng pamumuhay.

Noong 2004 at 2005 nandun ako, grabe nami-miss kong pagkain nila 'dun. Alam n'yo ba yung "puso"? Kanin na isinaing na nakabalot sa dahon ng murang dahon ng n'yog, sarap, hitsura pa lang gaganahan ka na. Tapos napakasarap din ng barbeque nila, napakasimple nang timpla pero ang sarap. At saka inihaw na isda na ibinalot sa dahon ng saging, sarap din. At killer ang lechon 'dun. Killer sa sarap. Ang mga baboy kasi 'dun damo lang ang kinakain, nakatali lang sila sa mga damuhan. Sa pagle-lechon, nilalagyan nila ng tanglad (lemon grass) yung t'yan ng baboy. At hindi uso sa kanila ang Mang Tomas or kahit anong sarsa ng lechon. Ang sawsawan nila ay suka, toyo, calamansi at siling labuyo kaya gaganahan kang talaga. Tapos may "gamus" na gawa sa maliliit na halaan, pipisaan mo ng native lemon at sili. Tapos may nilagang kamote pa na iba-ibang variety, puti, ube at dilaw ang kulay, aaarrgg naglalaway ako. Hindi ako mahilig sa lechon pero kapag nasa Lanuza ako kumakain ako, kasi mula umaga hanggang gabi may handang lechon.

Food trip daw ang ikinuento ko, lol.

Ang nagsimula ng surfing festival sa Lanuza ay ang aking naging kaibigan at mayor ng Lanuza na si Mayor Geri Irrizari, MD at ang kanyang maybahay na si Joy. Sobrang miss ko na ang dalawang ito. Sana ang lahat ng mayor sa Pilipinas ay katulad ni Mayor Geri, hindi nangungurakot, sobrang simple ng buhay, napaka-simpleng tao. Isipin n'yo naman, hindi lang s'ya takbuhan ng mga taga-Lanuza bilang mayor, s'ya pa din ang doktor ng bayan. At ang bayan ng Lanuza ay mahigit limang taon nang nananalo bilang isa sa pinakamalinis at luntiang bayan sa buong Pilipinas, nakakataba talaga ng puso na nakilala ko si Mayor Geri.

Magtanong kayo sa mga surfers sa Pilipinas kung saan sagana sa pagkain sa mga competitions sa Pilipinas. At organized na organized ang buong linggong event nila dahil ang buong komunidad ay kasali bilang mga staff at organizers. Nami-miss ko din yung mga parties sa island, kapag nalasing ka at inabot ka nang high-tide, kinabukasan na ang uwi mo. Pero safe na safe sa Lanuza.
Donnah, Perry! Ano pupunta ba ulit kayo this year? Inggit ako!

Thursday, November 01, 2007

KaBLOG

Hello Donnah and everybody, I already deleted my old blogger account. So please check my new site KaBLOG If you guys are interested about me, hehehe. Mabuhay ang mga Pinoy Surfers!

Labels: